Breaking OUt.

Breaking OUt.
Only a dead fish goes with the flow.

Monday, October 3, 2011

JC Who?

I haven't been myself lately. What's happening? I don't want to drink. I don't want to go out. I don't want to socialize. I just want to stay at home, locked in my room watching TV series. Mukhang nagbabadya na ang future ko. May lugar pa kaya sila sa Home For The Golden Gays? Kung sabagay, kung magiging mag-isa rin lang ako for the rest of my life aba eh mas mabuti nang masanay nang maaga. In fairness i am getting the hang of it. Di na nga ako sanay may kasama. I'm so used to doing things on my own. Grocery - -on my own. Movie - -on my own. Malling - -on my own. Kaya ang favorite song ko ngayon...on my own. Award! Pero ok lang, mabuti nang klaro ang life path ko di ba. At least walan nang pag-iilusyon at pag aantay sa happily ever after na di naman dadating - -malamang na-landslide o nahulog sa bangin ang love bus kaya wit na a-arrive yun. So sa halip na mag aksaya ako nang panahon umaasa sa wala, now is the time to get used to the new JC. Ang JC na nag-iisa. Ang JC na solo flight. Ang JC na alone. Pinanganak tayong mag-isa. Mamamatay tayong mag-isa. Such is life. We just have to make the most of it. And how we do that, aba kanya-kanyang diskarte na lang 'yun. Hmmm, ano'ng episode na nga ulit ako sa season 2 ng Without A Trace...? P.S. I've got first dibs on Clueless. :-D

No comments:

Post a Comment