Breaking OUt.
Monday, October 19, 2009
Single File
I wrote this a while back. It's one of my favorite blog entries and since this is my first official endeavor into the world of blogging, it just feels right to make it my first official entry (My welcome message/mood-setter entry doesn't count. Hehe.)
Going through what i wrote, i realized may mga p'wede pa pala akong idagdag. So here's an updated, 2009 version and i want to share it with all of my fellow single, not-so-single, and once-single friends out there.
30 years and 7 months na akong single. Di naman ako nagrereklamo, just stating a fact. In fact, ayos nga maging single eh. You're free to do anything you want, go anywhere you want to go without someone texting you every single minute. Asking you to update them,subtlety aside,kung ano na ang gingawa mo, kung nasaan ka na,ano'ng kulay ng brief o panty mo, at kung ano-ano pang "life-changing" stuff.
Pero,gano'n pa man, i can't help but ask myself - -sa dinami-dami ng tao dito sa mundo, bakit may mga taong single pa rin hanggang ngayon? Di ba nakapagtataka? More so, di rin maiwasan na mag imagine ng life with someone special. Lalo na pag naglipana ang mga magsyoyotang walang humpay sa pag PDA. Napapaisip ka rin minsan, pag malamig ang simoy ng hangin, na masarap ang may kayakap na mainit na katawan at hindi ang teddy bear mo na di makaalis sa iyong bear hug.
Oo, naging manhater ako once upon a time. Cynical at jaded sa konsepto ng pag-ibig. 'Yan ang naging pagkakakilala sa akin ng mga kaibigan ko. Pero di naman talaga ako bato. Nagbabato-batuhan lang. Defense mechanism lang 'to. Inisip ko kasi mas mabuti nang magpaka-Xena: Warrior Princess kaysa naman maglulupasay ako sa sahig dahil walang nagkakagusto sa akin at dahil lagi na lang ako'ng narereject.
Ayoko din naman ng isa pang option - -ang maging easy and cheap for the sake of having a sex life at least. Aba, this chastity belt stays right where it is! Single lang naman ako, di pathetic at desperate.
Pero in all gut-wrenching honesty, I also want to find someone - -and hopefully this time he can love me the way i love him. Unrequited love - -been there, done that. And you know what they say, what doesn't kill you - -makes you want to die. Kaya i had to toughen myself up. I had to suck it in, flip my hair, and smile despite the heartache.
It was all an act. A tough act to follow, if you may. Pero ang totoo, ang mga statement ko na "Love is overrated!!", "Who needs men, when you have a credit card?", at ang walang kamatayang "Confeermed...I will never fall in love again." ay said and imbibed purely for self-preservation lang. Para di naman ako mamatay habang patuloy na dinudurog at sinasaktan ng mga lalaking FEELING ang aking feelings.
But now i'm singing a different tune. Nakakapagod din kasi ang lagi kang galit sa mundo. 8 years rin akong angsty and angry dahil single ako. May naitulong ba? Wala!!! Kaya ngayon, i choose to be positive and optimistic. Hopefully i attract the same thing. Kaya kung dati, nega-star ako sa pagiging single, ngayon i'm putting my singlehood to more productive use by helping my fellow singles out there figure out why the hell we're single.. At sa aking pag mumuni-muni, 'eto ang mga reasons na naisip ko, of course with matching unsolicited advice. :-) At kahit written ito in gay speak, applicable ito sa lahat -mapa girl, boy, bakla, tomboy. :-)
1. Masyadong Independent
Baka naman masyado tayong nagpoproject na kaya nating mabuhay ng wala silang lahat, with matching singing ng Independent Women ng Destiny's Child. Ayan tuloy feel na feel rin ng mga mhin na hindi natin sila kailangan, kaya dun na lang sila sa taong tingin nila ay magkakaron sila ng silbi. Bilang driver man, kusinero, hardinero, or simpleng love slave. Aba, hindi p'wede 'yan! Ipakita mo naman ang damsel-in-distresss side mo! O maging clingy ka naman once in a while. I know a lot of guys complain pag clingy na ang mga girls/boys kahit nililigawan pa lang nila. Naaakooooooh, i'm suuuuuuuure! Naiinis, pero pag di mo hinahanap, o kinukulit, o niyayaya - feeling naman nila you don't have time or you're not interested. Magpakita ka naman ng konting motibo, para di naman siya mawalan ng pag-asa. H'wag ka lang mag all the way because you might lose your love on a lonely highway. O di ba, may i quote ng lyrics?!! Ang ibig sabihin ko, show them you're vulnerable rin naman once in a while and in need of affection and attention. Sabi nga nila no man is an island. Hmmmm, teka baka kaya ka masyadong independent woman ay literal ang take away mo dito. Lokah-lokah! Kasama ka din d'un! So let me rephrase - - no woman is an island din, kay go! Maging dependent ka naman minsan! Magpasundo ka!, Magpaluto ka! Magpabuhat ka! Papatay mo ang flying ipis! The important thing is you also show him that you do need him - - na may relevance din siya sa iyong buhay. Na kahit papaano, he adds something to your already fabulous life.
2. Mataaaaaaaaaaaaaaaaaas ang Standards.
Nakuuuuuu, guilty ako dito. Sabi ko nga, "what i lack in height, i make up for in standards." At tunay namang nakakalurky, pati mga friends ko napapalinga na lang ng ulo dahil sobra daw imposiible 'yung mga hinahanap ko. Ibaba ko naman daw ng kaunti. "Yun nga ang problema, masyadong mataas, eh 5"1 lang ako! "Di ko abot 'noh!! Pero siguro, hindi lang natanggal sa isip natin yung pangarap natin nung bata pa tayo. Sa kakabasa ng Snow White, Little Mermaid, Cinderalla, at kung ano-ano pang fairytale - -ayan damang-dama tuloy natin ang pagiging princessa at 'eto tayo nagkakandalokah sa kakahanap ng ating prince Charming. Siguro kailangan na natin magising sa hubad na katotohanan na there is no such thing as the ideal guy. Ok fine, in theory, kung makita man natin ang hinahanap natin na Mr. Perfect - -gwapong matalino na mayaman na mabait - -pero nung nakasama mo naman eh nakita mo hindi pala pantay ang tenga, or tatlo pala ang nipples niya at mabuhok pa lahat. 'Di turn-off na tayo? Oo aaminin ko, shallow ako! Pero kung lahat ng tao ay katulad natin na mataas ang standards, malamang wala ng magkaka boyfriend at girlfriend sa mundo.Pero ako, di ako nawawalan ng pag-asa. Magtangal kayo ng mga standards kung gusto niyo, but this standard stays right where it is!!
3. Lagi kang may regla.
Aminin, hindi masarap lapitan at kausapin ang taong laging may PMS. Mukha na ngang nangangain ng tao, liligawan mo pa? Dapat kasi kahit slight, maging approachable ka naman para kahit na hindi ka kagandahan,madidiskubre niya na masarap ka palang kausap at masaya kang kasama. Pero bet tayo, mag kumare lang ang kalalabasan niyong dalawa. Opinyon ko lang naman 'yun. Pero dapat, Ms. Manila Sunshine Girl ang disposition, para walang fear factor sa mga mhin. Always remember, kasungitan is next to kapangitan.
4. Maitim ang Budhi!
Between masungit at maitim ang budhi, mas malaki ang chance magka boyfriend ng mga taong laging may PMS. Ang mood swings, lilipas for sure. pero wala pa yatang naiimbentong pangkula o baretang pampaputi ng budhi. Try niyo maghanap, kahit sa Raon o sa 168 sa Divisoria wala kayong makikita. I swear, na-try ko na! Pero hindi pa naman huli ang lahat, kung kaya mo pa magbago, bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na magbago. Magdasal ka kay lord ng mataimtim ha. Mag novena ka sa Baclaran, o sa our lady of Perpetual Help. Mag-alay ka na rin ng itlog kay Sta, Clara, although para sa ulan 'yun. (at balita ko, nauumay na sa scrambled eggs at omellete ang mga sisters natin d'un kaya request nila dilata na ang offering. Sosyal ang mga mongha!) And for good measure, sumali ka na rin sa Mother Butler Guild, although i doubt it kung matutulungan ka nilang magkaroon ng boyfriend. Pakabait ka muna siguro. One step at a time.
5. Hermit Crab Ka
Paano naman masisilayan ng mga utaw ang iyong kagandahan kung nakakulong ka lagi sa bahay! Lumabas ka naman! Pero kung may pinagtataguan kang inutangan mo, naka blotter ka, or may swine flu ka - - maiintindihan kita. Pero kung wala naman, manood ka ng sine, mag malling, o mag coffee ka. Di dahil single ka di ka pwedeng lumabas. Wala naman tayong ketiong dabah?! At siguro naman may mga friends ka naman. O kahit wala, enjoy quality time with yourself. Solitude is the salt of personhood after all. Pero kung available ang mga friends, yayain mo sila! Come on, let's join us! Paano ka makikita ng mga option mo, kung di ka nagpapakita? You're single, so mingle!
6. Lost-yang Ka
Ito ang kadalasang krimen ng mga single. hindi ka nagbibigay ng ample time and effort para magpaganda! Naku, punishable by death 'yan! Death sa iyong dapat ay promising na love life. I'm sure aalma moreno ka to the tune of - "Eh bakit pa ako magaayos at magpapaganda, for what? For who?! Aba, aba, aba at mangangatwiran ka pa! Dapat nga lalo kang mag-ayos para makita ang asim mo. Joskoh, ano'ng ginagawa ng mga naglipanang Be Beautiful For Him, Vicky Belo, Elvies', Ellen's, at Let's Face It d'yan?!! Zsazsa, mag scehdule ka na ng appointment. Now na! Sabihin mo lang na hindi mo peg si Elvie at si Ellen, dahil friend gusto mong gumanda oki? Hindi magmukhang buhay na bangkay. Ang gusto mo maging Ooooooh la la, sizzling hawt!
7. Over-dose ng Kumpyansa
Medyo sensitive itong topic na ito dahil maraming ego ang masasagasaan. Alam niyo naman ang mga mhin, ever-so-insecure about their machismo that they always have to prove it. Eh hello?!! Kasalanan ba natin kung mga diosa tayo? Pero siempre dapat may compromise. Kailangan maramdaman din nila sa atin na hindi tayo condesending towards them. Hate nila 'yun. Alam ko mahirap - -sa ganda nating 'toh! Pero best-actress ka naman kaya mag pretend ka na minsan is ka ring hamak na taga-lupa, hindi isang paraluman sa kalangitan, isang buhay na panaginip na di nila ma-reach. Hindi ko sinasabi na i-downplay mo ang confidence level mo. Wala tayong magagawa, magagaling at mahahaba talaga ang hair natin. At kahit you are not feeling any pressure right now, minsan matuto rin tayong magbigay at maging grounded and humble. H'wag nang ipagdukdukan na sobrang galing tayo. I'm sure alam na nila 'yun. .
8. I am a working girl, a busy working girl....
Nalunok mo lang ang bato ni Darna, di mo na niluwa!! Honey, di ka si wonder woman. Di magugunaw ang mundo if you stop working to smell the roses. Hello! May insurance ba ang work mo for Emotional Damages brought about by your lack of a social and love life?!! Wala! Ni sa Medi Card di covered 'yun. Love your work, but love yourself more. At h'wag kalimutan na magkaroon ng time for yourself - -kahit sa pagpupluck lang ng kilay o sa pag bubunot ng nose hair. Know your priorities! Work -Life balance dapat! Papaano ka maliligawan kung kailangan pa ng mga mhin magpa appointment sa secretary mo, mabigyan ka lang ng chocolates at roses?! At i'm sorry, hinid considered na jowa ang blackberry mo kaya tama na 'yan! Ang dapat mo naman career-in ngayon ay ang iyong potential love life. Magbibay ka naman ng panahon para dito, para naman may ROI ka.
9. I'll Never get over you, getting over me...
Fine, gago ang mga lalaki. Wala silang kwenta!! Pero di naman siguro lahat (At nagsalita ang self proclaimed man hater!) Walang mangyayari sa love life mo kung dala mo ang emotional baggages ng iyong masalimuot at nagdaang love life. Friend, let go of that heavy samsonite bag! Travel light dapat. Para di ka mukhang constipated all the time. Past is past. Move on! You have your future ahead of you. Kung paghihiganti pa rin ang na sa isip mo, eh what better way to get that sweet revenge than to find a guy na mas gawpo, mas macho, mayaman, at mas malaki...ang pasensya kaysa sa damuhong nagpaiyak sa'yo. He's not worth it. Stop wasting time and tears on someone na pinaglipasan na ng panahon. Sumigaw ka lang ng isang napakalakas na Pakshyeeet You!! (with matching ngarat) tapos move on. This is your story, and it's time for you to look for your happy ending.
10. Masyadong masyado - -as in Over OA!
Masyado kang maganda, masyadong matalino, masyadong talented, at masyado mayaman - -kaya walang may lakas ng loob manligaw sa'yo. To be fair, di mo na kasalanan 'yon. But you have the option to be humble. Pero, kung ako sa'yo, maghanap ka na rin ng katulad mo para less issues. Maraming insecure 'dyan, and for a very intimidating person like you to have someone like that as a jowa? Recipe for disaster. Kaya maghanap ng fellow single na masyadong-masyadong over OA din. Para boom! It's sexy time!
11. Makati ka pa sa Gabi.
Aminin! Di enough sa'yo ang single course meal. Ang gusto mo, eat-all-you-can na buffet! Quantity ang labanan! The more, the merrier! At ikaw naman, carenderiang bukas salahat ng gusto kumain!! Kung gano'n, aba h'wag kang magreklamo with matching tears in your eyes! Dahil kahit na gusto mo nang magka jowa, deep in your heart you know na never ka makukuntetnto sa isa. Eh hello! H'wag ka nang magbalat-kayo! Wala naman masama dyan. Basta you're true to yourself,and always be safe ok na. Plus, you get to spare the men also from falling for someone like you. Good deed na din 'yun. Ibigay mo na lang ang mga good catch sa mga single na altar/or long-term relationship ang hinahanap na finish line in their search for Mr. Right. Pero may request ako, sa susunod na on the prowl ka, isama mo naman ang mga single friends mo. Para naman di sila masyadong malungkot.Now put your hands up! Uh uh ohhh, uh, uh, uh, uh, uh ooh, uh, uh, ooh! Share your blessings! Sabi nga nila, those who have more should give more. Hala! Maging Caridad Sanchez! H'wag m'ng solohin ang mga mhin. Dahil, sa huli nakakasawa din ang buffet. Nakakaumay. Pag di ka mag ingat, impacho ang abot mo.At ang carenderia mo - -mapopoto.
at eto ang pinakamatindi sa lahat:
12. Ayon sa baraha...wala sa guhit ng palad mo ang magkaboyfriend.
Huwaaaaaaaaaaaat?!!! Homaygaaaaad!!!!!! (tumbling, cartwheeel, split!) Kill me now! Shyet, ang saklap! Masakit man tanggapin, ok na rin. At least ngayon pa lang alam mo na. Di mo na kailanagn umeffort. Ilaan mo na lang ang panahon mo para maging reason number 10 ka. Maging masyadong-masydo ka na lang. Single ka nga, ganda mo naman! Pero malay mo rin, baka naman may greater purpose ka in life. Ako personally, i think i'm destined to be the Patron Saint of gay men na sawi sa pag-ibig - -Nuestra Senora No Hada. In any case, it's not the end of the world. And always remember, you make your own destiny. Deadma na sa baraha. Mag tong-its na lang tayo.
Sa haba ng listahan na ito, isa lang ang net take-away...It's definitely not easy being single, parusa talaga. But then again being single is also a blessing. Ironic ano? Pero perspective lang 'yan. You can either make it work for you or against you. I suggest you choose the former. Essentially, mahirap maging single. Pero kung single ka na, losyang, neurotic, at psycho ka pa dahil sa depress ka na single ka - -aba naman gumising ka maruja! It's about time you wore those rose clored glasses, because singlehood is not bad. Not at all. It's a time to get to know yourself, to love yourself, and to make yourself a better you. Para pag dumating ang panahon na dumating na ang lalake/babae/palaka na tatapos sa iyong single life, masasabi mong - -Go ahead, I'm Ready! (with matching raised hands and welcoming arms. And believe you me, it will come at the moment you least expect it. :-) In the meantime, tuloy ang buhay single.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hahaha. One of my fave entries I read sa FB account mo. Well, true ang mga naka-list and I had to admit, bull's eye direct hit ako...
ReplyDeleteBut as you ended it... "In the meantime, tuloy ang buhay single"
^_^